Posted June 5, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Ayon kay DTI Aklan Director Diosdado Cadena Jr., ilang
araw bago sumapit ang pasukan ay nagkaroon umano sila ng monitoring sa mga
tindahan ng school supplies sa bayan ng Kalibo kung saan tama lamang umano ang kanilang
presyo.
May mga ipinaskil din umano sila sa mga tindahan na
paalala o “Gabay sa pamimili” ng mga School supplies nang sa gayon ay masunod
ito ng mga nagbibinta at mga bumibili.
Sinabi din nito na nakatulong ang kanilang ginagawa
taon-taon na “Balik Eskwela Diskwento Sale” kung saan labing isang mga
retailers sa bayan ng Kalibo at Iloilo ang sumali sa kanilang aktibidad na
nag-offer ng discounted price na mga school supplies.
Aniya dinagsa umano ito ng mga mamimili kung saan
ikinatuwa naman ng mga magulang at estudyante ang mababang presyo ng mga gamit
sa eskwela.
Samantala, ang DTI ay nakahandang umalalay sa lahat ng
mga may reklamo sa mataas na bintahan ng mga School supplies o anu mang
produkto na sakop ng kanilang ahensya.
No comments:
Post a Comment