Posted June 15, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Special Holiday ngayon ang Bayan ng Malay kung kayat
buong araw na ipagdiriwang ng mga Malaynon ang Malay Day ngayong Lunes Hunyo.
Ayon kay Municipal Chief Tourism Operations Officer FelixDelos Santos.
Pangungunahan ng Thanksgiving Mass ang nasabing okasyon
bandang alas-8 ngayong umaga kung saan susundan naman ito ng parada at programa
ng alas-10 hanggang alas-12 ng tanghali.
Maliban dito magkakaroon din umano ng Larong Lahi
mamayang hapon kung saan ibat-ibang Local games ang itatampok rito kasama ang
mga empleyado ng LGU Malay.
Ang Malay Day ay taon-taong ipininagdiriwang ng mga
Malaynon matapos ang seperasyon nito sa Buruanga, Aklan noong Hunyo 15, 1949 na
nilagdaan ni nooy dating Pangulong Elpedio Quirno.
anong RA no. na ginawang holiday ang Malay Day?
ReplyDelete