Pages

Tuesday, June 09, 2015

May-ari ng isang resort sa Boracay, timbog sa bayan ng Kalibo dahil sa ipinagbabawal na droga

Posted June 9, 2015
Ni Bert Dalida YES Boracay

Nagbabala si Aklan Provincial Jail Warden Teddy Esto sa mga bumibisita sa Aklan Rehabilitation Center na istrikto sila kanilang ipinapatupad na alituntunin.

Kasunod ito ng balitang isang Swiss national na bumisita ng isang inmate nitong Biyernes ang nahulihan ng ipinagbabawal na droga.

Nakilala ang suspek na si Kidd Bernhard Kiefer, residente na sa isla ng Boracay at may-ari ng isang beach resort.

Ayon sa report, dala ni Kiefer ang isang rim ng sigarilyo at mga gamot nang bisitahin nito ang dating chief cook na Carlo San Jose na nahuli naman noon dahil sa kasong panggagahasa ng isang British National.

Subali’t nang i-body search ng duty prison guard, nakuha mula sa kanya ang hush drug, isang uri ng marijuana mula sa kaha ng kanyang sigarilyo sa kanyang polo shirt.

Pansamantala namang ikinostodiya ang suspek sa Kalibo PNP para sa karampatang desisyon, sa kabila ng kanyang pagtanggi sa akusasyon.

No comments:

Post a Comment