Pages

Tuesday, June 30, 2015

Mahigit dalawamput isang libong Aklanon wala pang biometrics

Posted June 30, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for biometrics comelec electionNasa mahigit dalawamput isang libo pa umanong mga botante sa probinsya ng Aklan ang walang biometrics para sa darating na National Elections sa Mayo 2016.

Ayon kay COMELEC Provincial Information Officer Chrispin Raymund Gerardo, kailangan na umano ng lahat ng mga aktibong botante na makapag-parehistro sa biometrics sa opisina ng Municipal COMELEC sa Aklan.

Sa ngayon umano ay may kabuuang bilang na 314, 093 registered voters ang probinsya nitong Abril 20 base sa tala ng COMELEC kasabay ng isinagawang Election Registration Board hearing.

Dagdag pa nito na ang bayan ng Kalibo ang siyang may pinakamaraming botante na may kabuuang bilang na 43, 082 ngunit 4, 735 sa mga ito ay wala pang biometrics.

Tinukoy din ni Gerardo na mayroon ngayong mga isinasagawang satellite registration ang mga municipal election office sa mga baranggay tuwing weekend para makapagparehistro ang mga matatandang nahihirapang dumayo sa mga COMELEC Office.

Kaugnay nito pinaalalahan naman ni Gerardo ang mga kabataang mag-eedad 18 bago mag May 9, 2015 election na magparehistro na para makaboto.

Samantala, bukas naman ang tanggapan ng COMELEC sa buong Aklan tuwing Lunes hanggang Sabado maging sa araw na may Holiday.

No comments:

Post a Comment