Posted June 27, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Posibleng matuloy ang natigil na construction ng Seven
Seas na Ocean Park hotel sa Boracay sa kabila ng online petition na ipatigil
ito dahil sa umano’y ilang paglabag sa kalikasan.
Sa ginanap na Joint committee hearing kahapon ng
Sangguniang Bayan ng Malay sa Eurotel Boracay ipinatawag ang contractor ng
Ocean Park hotel na Seven Seas kasama ang ilang government agencies.
Dito napag-usapan ang ibat-ibang isyu na ibinabato sa
nasabing contractor ng mga grupo na kasama sa online petition dahil nasisira
umano ang kalikasan sa kanilang iniingatang Puka Beach.
Iginiit din ng Seven Seas na mayroon silang mga dokumento
para sa nasabing construction mula sa Planning at Engineering Office ng LGU
Malay kasama na ang sa DENR.
Kaugnay nito ipinakita din ng Seven Seas sa LGU Malay
Officials ang plano ng nasabing hotel kung saan wala din umano silang mga
nilabag rito at aware umano sila sa basement law sa Boracay.
Napag-alaman na ang mga kwarto ng nasabing hotel ay
mistulang isang aquarium kung saan napapalibutan ito ng marine wildlife na kung
saan ay may kapal na 12 inches stick ang salamin sa nasabing Ocean Park hotel.
No comments:
Post a Comment