Posted June 1, 2015
Ni Bert Dalida YES FM Boracay
Tapos na ang APEC o Asia Pacific Economic Cooperation
Ministerial meeting sa isla ng Boracay.
Subali’t patuloy parin ang ‘all out war’ ng mga B.U.S.T.E.R.
Patrollers laban sa mga illegal commissioners sa isla.
Katunayan, patuloy paring nakukumpiska lalo na ang mga
kapulisan ng mga illegal brochures na ginagamit ng mga illegal commissioners sa
kanilang pang-aalok sa mga turista.
Sa ipinakitang brochures na nakumpiska nito lamang
nakaraang araw, nabatid na nakakapanlumo at magkaiba ang presyo ng ilan sa mga
nakalagay na activities doon.
Umaabot kasi sa trenta mil pesos ang halagang babayaran
para sa tatlong oras kapag gumamit ka ng malaking bangka sa pag-a-island
hopping, habang meron namang dose mil pesos.
Kasama pa sa nakumpiskang brochure ang magkaibang presyo
ng Fish Feeding at Snorkeling na umaabot sa P5, 500.00 ang indibidwal na
babayaran, habang P4, 500.00 naman ang sa isa.
Samantala, sa pag-iimbistiga naman ng himpilang ito, may
mga nagsasabing depende sa ‘package’ na kukunin ng guests ang halagang kanilang
babayaran.
Magkaganon paman, iginiit parin ng mga kapulisan na
ilegal ang mga nasabing brochure kung kaya’t patuloy nila itong kukumpiskahin.
No comments:
Post a Comment