Posted June 9, 2015
Ni Bert Dalida YES FM Boracay
Mahigit dalawang linggo nang nakalipas matapos idaos sa isla
ng Boracay ang APEC o Asia Pacific Economic Ministerial meeting.
Subali’t muling sinariwa ng mga miyembro ng BAG o Boracay
Action Group ang matagumpay na seguridad na kanilang inilaan para sa mga APEC
Delegates.
Sa ginanap na Inter-agency flag raising ceremony sa station
2 Boracay, ibinahagi ng ilang lider ng grupo doon ang kanilang tiwala sa
kakayahan ng BAG.
Ayon kay Boracay Island Chief Operations Officer Glenn
Sacapaño, mistula umanong nagduda ang mga APEC Organizers sa kakayahan
ng Boracay na maghost sa nasabing aktibidad.
Subali’t pinuri at kampante nitong sinabi na naging
matagumpay ang lahat dahil narin sa pagtutulungan ng lahat lalo na ng mga
miyembro ng BAG.
Samantala, kampante rin si Sacapaño na makakayanan ng
Boracay ang anumang problema sa isla dahil sa pagtutulungan ng lahat.
Magugunita namang itinatag ang Boracacy Action Group noong
panahon ni dating Boracay PNP Chief-PSupt.Samuel Nacion upang magkaisa ang
lahat ng ahensya at law enforcers para sa ikabubuti ng isla.
Ilan lamang sa mga matatag na miyembro ng BAG ang Boracay
PNP, Philippine Army Boracay Task Group, Philippine Coast Guards, force
multipliers at ilan pang volunteer group.
No comments:
Post a Comment