Posted June 12, 2015
Ni Bert Dalida YES FM Boracay
Dumistansya ngayon sa usapin kaugnay ng inaalmahang
construction sa Puka Beach area ang BFI o Boracay Foundation Inc.
Subali’t nabatid na ilan sa mga miyembro nito ang
nagpahayag ng kanilang personal na paninindigan at pagsuporta sa panawagan ng
grupong Friends of Flying Foxes.
Ito ang grupong naglunsad ng online petition bilang
panawagang ipaglaban ang natitirang gubat sa Barangay Yapak.
Samantala, napag-alamang nagpulong na rin ang mga taga
DENR at BRTF o Boracay Redevelopment Task Force kaugnay sa usapin habang
patuloy namang binabayo sa social media ang itinatayong proyektong Ocean Park
ng Seven Seas Developer.
Base sa impormasyon, itatayo doon ang pinakamalaki
umanong underwater hotel resort rooms, na ikinabahala naman ng publiko na
patuloy na nagtatanong kung papaano ito nabigyan ng permit.
No comments:
Post a Comment