Posted May 28, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Balak ngayong pasukin ng kumpanyang Air Juan ang isla ng
Boracay para makapag-operate sa pamamagitan ng kanilang Sea Air plane.
Sa ginanap na 18th regular SB Session ng Malay
nitong Martes dumalo rito si Jose Rafael Ledesma Presidente ng Air Juan para
ipaabot ang kanilang kahilingan.
Ayon kay Ledesma ang Sea Air plane ay puweding
makapagsakay ng 9 na pasahero at puwedi din umano itong makalapag sa dagat o sa
maliit na paliparan.
Dito tinukoy din ni Ledesma ang kanilang ibat-ibang
serbisyo katulad ng mabilisang biyahe para sa mga turista mula sa Boracay o
papuntang Palawan at Manila.
Maliban dito, maaari din umano itong gamitin sakaling
mayroong emergency na mula sa Boracay na kinakailangang dalhin sa ospital sa
mainland.
Kaugnay nito, nais namang tiyakin ng Sangguniang Bayan ng
Malay kung ang nasabing Sea Air ay ligtas na gamitin para sa mga pasahero at
kung ano ang epekto nito sa isla ng Boracay.
Samantala, sasailalim naman sa Committee Hearing ang Air
Juan at SB Malay ngayong darating na Lunes kasama ang ibat-ibang transport
groups, Philippine Coastguard, Maritime Police, Boracay Foundation Inc. (BFI)
at ilang pang concern agencies upang sumailalim sa ilang deliberasyon.
No comments:
Post a Comment