Posted May 8, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Kulong ngayon sa Boracay PNP Station ang isang puganteng
Romanian matapos na mahuli ng mga awtoridad sa Boracay nitong Huwebes.
Kinilala ang naaristong si Bogdan Pavel, 49-anyos na wanted
sa kasong illegal recruitment.
Sa pangunguna ng Boracay Tourist Assistance Center si
Pavel ay inaretso batay sa warrant of arrest na inisyu noong Abril 6, 2015 sa
pamamagitan ni Manila-Regional Trial Court Judge Tita Buhao Alisuag.
Ito naman ay inaresto ng mga kapulisan sa isang resort sa
Mt. Luho bandang ala-1 ng hapon nitong Huwebes na ngayon ay nasa pangangalaga
ng BTAC at nakatakdang e-turn over sa Manila.
Samantala, wala namang inirerekomendang piyansa sa
nasabing pugante para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
No comments:
Post a Comment