Pages

Saturday, May 16, 2015

PSA-Aklan nagsagawa ng survey of Tourism Establishments sa Pilipinas

Posted May 16, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Nagsagawa ngayon ng 2014 Survey of Tourism Establishments sa Pilipinas (STEP) ang Philippine Statistics Authority-Aklan.

Ito’y naglalayong mangolekta ng impormasyon sa mga magagamit na supply ng turismo kalakal, mga produkto at serbisyo, na kung saan ay mahalagang input upang masukat ang pang-ekonomiyang mga kontribusyon ng industriya ng turismo sa ekonomiya.

Nabatid na sa 233 establishments sa Aklan ang pinili bilang mga halimbawa para sa STEP kung saan higit sa kalahati rito ay nagmumula sa isla ng Boracay.

Ayon naman kay Interim Provincial Statistics Officer Rodelyn Panadero, ang mga establisyementong sakop ng tourism survey ay ang accommodation, restaurant, transport operator, tour at travel agency, health at wellness at iba pang tourism activities.

Sinabi pa nito na ang turismo ay may malaking ginagampanang papel at impak sa ekonomiya  para sa pag-unlad ng bansa.

Kaugnay nito umapela naman si Panadero sa lahat ng mga respondents na magbigay ng kumpleto at totoong impormasyon sa mga PSA Filed Personnel na nagsasagawa ng survey.

Samantal, iginiit din nito na lahat ng impormasyon na maibibigay sa kanila ay “strictly confidential” at hindi umano nila ito gagamitin para sa taxation, investigation o iba pang law enforcement purposes.

No comments:

Post a Comment