Posted May 13, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Bagamat wala pang pormal na deklarasyon mula sa PAGASA
tungkol sa pagpasok ng Habagat Season sa Boracay pinaghahandaan na rin ito ngayon
ng mga establisyemento sa beach front.
Partikular sa mga naghahanda rito ay ang lahat ng mga
business establishment sa station 1 hanggang station 3 na siyang maapektuhan ng
hanging habagat.
Napag-alaman na nitong nakaraang araw ay naranasan ang
malakas na alon sa karagatan senyales ng pagpasok ng naturang panahon.
Base naman sa pahayag ng Philippine Atmospheric
Geophysical and Astronomical Service Administration (PAGASA) inaasahang papasok
ang Habagat bago magtapos ang buwan ng Mayo.
Nabatid na mararamdaman ang naturang panahon simula buwan
ng Mayo hanggang Oktobre sa Boracay kung saan ang gagamitin namang pantalan
patawid at palabas ng Boracay ay ang Tambisaan at Tabon Port.
Samantala, sakaling pumasok na ang Habagat ay mahigpit
namang ipinagbabawal ng Philippine Coastguard ang paliligo sa dagat sa tuwing
malakas ang alon lalo na sa mga area na walang naka-antabay na lifeguard.
No comments:
Post a Comment