Posted May 7, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Mahigpit ngayong tintutulan ng Philippine Coastguard
(PCG) Caticlan ang pagbiyahe ng mga cargo boat sa Boracay tuwing gabi.
Ayon kay Coastguard Boracay Sub-station Commander Chief
Petty Officer Arnel Sulla, hindi maaaring makapag-operate ang lahat ng cargoes
na may biyaheng Boracay kahit na sa kabila ng pag-iba ng eskedyul ng
pag-deliver ng mga truck sa Boracay dahil sa APEC meeting sa susunod na linggo.
Nabatid na ang lahat ng truck sa Boracay ay pinagbawalan
munang magbiyahe tuwing day-time kung saan iniskedyul sila ng alas-12 ng hating
gabi hanggang ala-5 ng madaling araw.
Napag-alaman na
ang mga sinasakay sa truck para sa pag-deliver ay mula sa mga nasabing cargo
galing mainland Malay.
Iginiit naman ni Sulia na kahit walang APEC Ministerial
meeting sa Boracay ay hindi din nila pahihintulan ang mga itong maglayag
maliban lamang sa mga bangkang de-pampasahero na puweding magbiyahe ng 24 oras.
Samantala, mahigpit naman ngayon ang ginagawang
monitoring ng PCG sa lahat ng mga sasakyang pandagat sa Boracay at Caticlan
dahil sa APEC meeting sa isla.
No comments:
Post a Comment