Posted May 22, 2015
Ni Bert Dalida Yes FM Boracay
Nakatakdang isailalim ngayong araw sa inquest proceedings
ang babaeng miyembro umano ng ‘budol-budol’ na nahuli matapos magnakaw sa isla
ng Boracay kahapon.
Subali’t bago nito, nabatid na naglabasan din kahapon ang
ilan sa mga nabiktima ng suspek na si Geralyn Mamar, 29 anyos ng Lapaz, Iloilo.
Base sa police report ng Boracay PNP, positibong kinilala ng
sales lady na si Shinalo Supetran ang suspek na siyang pumunta sa kanilang
stall at nagpakilalang inutusan ng kanilang amo upang kolektahin ang pera.
Dahil dito, nakuha umano ng suspek ang P12, 000.00 na income
sa kanilang tindahan.
Kasunod nito, isang service crew na si Risel Espolong naman
ang sumunod na nagpa-blotter sa Boracay PNP laban kay Geralyn.
Kuwento ni Risel, nagpakilala umano sa kanya ang suspek na
magkaibigan sila ng may-ari ng kanilang stall, at inutusan siya nitong bumili
ng gulaman sa kalapit na stall.
Nagulat na lamang umano siya nang wala na ang P5, 000.00 nilang
benta pagbalik niya pagkatapos bumili ng maiinom.
Samantala, nabatid na inamin din ng suspek sa Boracay PNP na
siya rin ang nagnakaw ng pera ng isang babae sa Sitio Balinghai, at itinapon
niya ang wallet nito sa Cagban Manoc-manoc, na narekober naman ng mga kapulisan.
No comments:
Post a Comment