Posted May 12, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Hinirang na ranked No.1 ang bayan ng Malay sa Top 20
First Class Municipalities sa tuntunin ng Locally Sourced Income-to-Annual
Regular Income (LSI-to-ARI) ratio.
Ito ay base sa naitalang record ng Bureau of Local
Government Finance-Department of Finance (BLGF-DOF) simula noong 2012.
Sa record nagpapakita lamang na ang Malay ay sikat bilang
premier tourist destination dahil sa isla ng Boracay kung saan nakamit nito ang
pagiging 1st class municipalities sa bansa.
Maliban sa Malay sa Aklan napabilang rin dito ang bayan
ng Kalibo bilang ranked No. 13 na may malalaking kita sa bansa.
Nabatid na ang Malay ay kumikita ng malaki taon-taon
dahil sa mga negosyo sa Boracay habang ang Kalibo ay sentro naman ng probinsya
na mayroong local at commerce trade.
No comments:
Post a Comment