Posted May 5, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Ngayong araw nakatakdang ipakalat ng Philippine National
Police (PNP) ang mahigit sa tatlong libong mga pulis mula sa Region 6 sa
lalawigan ng Aklan at isla ng Boracay.
Kahapon ay dumating na ang daan-dang mga pulis na
itatalaga naman sa isla ng Boracay para sa nalalapit na APEC ministerial
meeting ngayong susunod na linggo.
Maliban sa Boracay magtatalaga rin ng mga pulis sa Kalibo
International Airport kung saan lalapag ang mga delegado na kasama sa APEC
meeting.
Ayon naman kay Boracay Tourist Assistance Center OIC
PSInsp.Frensy Andrade sasakupin din ng mahigit tatlong libong pulis ang
National High-way mula sa bayan ng Kalibo hanggang sa brgy. Caticlan sa bayan
ng Malay.
Aniya, lahat ng sulok sa Boracay lalo na ang mayroong mga
Sitio. ay lalagyan nila ng mga pulis bago o pagkatapos ng nasabing ministerial
meeting.
Kaugnay nito dumating nadin umano ang ipinahiram sa
kanilang patrol car mula sa National Capital Region (NCR) para gamitin din sa
naturang meeting kung saan inaasahan pa umanong madadagdagan ito ngayong araw.
Samantala, napag-alaman na ang ministerial meeting ay
magsisimula ngayong Mayo 10 kung saan sa Mayo 24 ay magsisismula naman ang
Second Senior Officials Meeting and Related Meeting (SOM2) and Trade Ministers
Responsible for Trade (MRT) Meeting sa isla ng Boracay.
No comments:
Post a Comment