Posted May 2, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Wala ng buhay ang isang lalaki ng makarating sa Dr. Rafael S. Tumbukon Memorial Hospital
matapos bawian ng buhay ng tumalon sa Aklan River kahapon.
Sa police
report ng Boracay PNP nakilala ang biktimang si Joel Icawalo, 43-anyos ng bayan
ng Kalibo kung saan tumalon umano ang biktima sa nasabing sa C.
Quimpo St., Kalibo, Aklan kahapon ng tanghali.
Nabatid na
naka-inom diumano ang biktima ng nagdisisyon itong maligo kasama ang kanyang
ibang kaibigan ngunit makalipas ang ilang minuto ay hindi na ito nakaahon matapos
tumalon sa nasabing ilog.
Agad namang
rumispondi ang mga pulis kasama ang Search and Rescue team ng Kalibo PNP at pamilya
ng biktima kung saan matapos ang halos 30 minutong paghahanap ay natagpuan nila
ang biktima sa layong 15 metro mula sa kung saan ito tumalon.
Samantala,
pinaniniwalaan namang tumama sa matigas na bagay ang ulo ng biktima nang
tumalon ito sa ilog dahilan ng kanyang agarang pagkamatay.
No comments:
Post a Comment