Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Mabilis na naisugod sa Dr. Rafael S. Tumbukon Memorial
Hospital ang isang lalaki matapos saksakin ng kanyang kalaro sa Lucky 9 sa
isang lamay sa Altavas, Aklan.
Sa blotter report ng Altavas PNP, kinilala ang biktimang
si Dave Bobier, 45 ng Sitio Sapa, Brgy. Cabangila, Altavas, Aklan habang ang
suspek naman ay nakilalang si Rey Arcenio ng kapareho ring lugar.
Nabatid na naglalaro umano ang mga ito ng Lucky 9 ng
biglang sabihin ng biktima sa suspek na hihinto na ito sa paglalaro dahil sa
nanalo na siya.
Ngunit bigla namang uminit ang ulo ng suspek dahil hindi
pa siya nakabawi sa kanyang talo kung kayat agad nitong nitong binunot ang
kanyang kutsilyo sabay unday saksak sa biktima.
Dahil dito malalim na sugat ang tinamo ng biktima sa
kanyang tagiliran matapos ang pananaksak ng suspek na ngayon ay nakakulong sa
Altavas Police Station.
Samantala base pa sa report ibineta umano ng suspek ang
kanyang mga alagang baka at baboy upang may pang-kapital sa sugal sa isang
lamay sa kanilang lugar.
No comments:
Post a Comment