Pages

Monday, May 04, 2015

LaBoracay 2015 nagdulot ng magandang epekto sa isla ayon sa Mtour Malay

Posted May 4, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Positibo umano ang naging resulta ng kakatapos lamang na LaBoracay 2015 para sa Municipal Tourism Office ng Malay.

Ito ang naging pananaw ni Municipal Chief Tourism Operations Officer Felix Delos Santos dahil sa nakapagtala umano sila ng mataas na tourism arrival at isa umano ito sa magandang marketing strategy para sa isla ng Boracay.

Kauganay nito sinabi pa ni Delos Santos na wala rin silang naging problema pagdating sa environmental matter dahil sa marami umano silang naging katuwang para panatilihing malinis ang beach area lalo na kung saan dumagsa ang maraming tao dahil sa LaBoracay.

Samantala, iginiit pa ni Delos Santos na napaghandaan nila ngayong taon ang naturang event kumpara noong 2014 kung kaylan ginanap ang kauna-unahang LaBoracay.

Nabatid na umabot sa 40, 000 hanggang 50,000 katao ang dumayo sa Boracay nitong nakalipas na tatlong araw para dumalo sa LaBoracay o malalaking beach party ng sunod-sunod na araw.

No comments:

Post a Comment