Posted May
20, 2015
Ni Bert Dalida YES FM Boracay
Pinaghahanap parin ngayon ng mga taga Boracay PNP ang komisyoner
na nambiktima umano sa anim na bakasyunista nitong nakaraang linggo.
Kasabay nito, nabatid mula sa BTAC o Boracay Tourist
Assistance Center na dati na rin pala umanong nambiktima sa mga turista sa isla
ang komisyoner-suspek na si ‘Greg’.
Napag-alaman din na hindi umano totoo ang apelyedong ginamit
nito nang makatransaksyon ang mga nagreklamong bakasyunista na pawang mga taga
Quezon City.
Magugunitang nagreklamo ang mga nasabing bakasyunista
nang tinakasan umano sila ng komisyoner dala ang P6, 800.00 mula sa kabuuang
P11, 400.00 na bayad sa mga activities nilang kinuha.
Giit pa ng mga ito, hindi pa natatapos ang kanilang
activities subali’t hindi na rin nila makontak ang nasabing komisyoner.
Samantala, nabatid na patuloy namang tinututukan ng mga
kapulisan ang isla ang pagsugpo sa mga illegal na komisyoner at pakalat-kalat
na vendors.
No comments:
Post a Comment