Posted May 14, 2015
Ni Bert Dalida YES FM Boracay
Isang ‘good news’ na namang maituturing para sa isla ng
Boracay ang ginawa ng isang E-Trike Driver nitong hapon.
Sa kabila ito ng mga naitalang ‘bad news’ sa Boracay PNP
Station kaugnay ng mga nangyaring nakawan sa isla kamakailan lang.
Isinauli kasi nito ang gamit ng Chinese national na naiwan
sa mismong minamaneho nitong E-Trike.
Ayon sa report ng Boracay PNP, dakung alas 4:00 ng hapon
nang sumakay ng E-Trike mula sa Station 1 Balabag papunta sa tinutuluyang
resort ang turistang si Wang Yanlin.
Subali’t nakalimutan umano niya ang kanyang bag sa
E-Trike, na labis naman niyang ikinabahala dahilan upang mag-report siya sa
police station.
Samantala, laking pasasalamat naman ng turista nang dumating
kaagad sa himpilan ng Boracay PNP ang driver na si Marlon Artocilla bago paman
matapos ang pagpapa-blotter sana niya tungkol sa naiwang gamit.
Nabatid na naglalaman ng dalawang Iphone 6 at wallet na may cards
at pera ang bag ng turista nang maiwan niya ito sa E-Trike.
No comments:
Post a Comment