Pages

Friday, May 22, 2015

Beach patrol group sa Boracay nakatanggap ng siyam na bisiklita

Posted May 22, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Siyam na mga bisiklita ang ipinamahagi ng Provincial Government ng Aklan sa mga sundalo sa Boracay para sa kanilang beach patrol.

Ayon kay Captain Lord Laurence Medina, 12th Infantry Battalion (12IB) civil military officer, ang ibinigay umanong bisiklita sa Army beach patrol group ay para matulungang ma-protektahan ang mga turista at residente sa lugar.

Nabatid na ginanap ang pag-turn over ng mga biskilita para sa mga Philippine Army nitong Mayo 16 sa ABL Sports Complex sa Kalibo, Aklan kung saan nagkakahalaga naman ng P15,000 bawat isa.

Sinabi pa ni Medina na ang naganap na-turnover ay isa sa mga highlights ng Spearhead Troopers Unity Ride for Peace and Progress ng 12IB based sa Camp Jizmundo sa Barangay Libas, Banga, Aklan.

Samantala, mismong si Gov. Florencio Miraflores naman ang nag-abot ng mga bisiklita kay Major General Rey Leonardo Guerrero, 3rd Infantry Division commander kung saan matapos nito ay pumirma naman si Miraflores at Rep. Teodorico Haresco Jr. ng “Commitment for Peace.”

No comments:

Post a Comment