Pages

Tuesday, May 19, 2015

APEC Spokesperson Charles Jose sinagot ang mga isyu tungkol sa APEC sa Boracay

Posted May 19, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
               
Hindi nagpapigil ang mga local at international media sa pagtatanong kay APEC Spokesperson Charles Jose sa ginanap na press briefing sa Ecovillage Convention Center kaninang umaga.

Ito ay kaugnay parin sa nagpapatuloy na Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Ministerial meeting sa Boracay na magtatapos na ngayong Linggo.

Sa pagharap ni Jose sa ilang local at international media dito niya ipinaabot ang mga pinag-usapan ng mga delegado sa kanilang mga isinagawang meeting.

Kabilang umano rito ay ang human resource development, emergency preparedness, internet economy, connectivity, economic and technical cooperation structural reform, counter-terrorism telecommunication at tourism.

Tinanong naman kay Jose kung ano umano ang epekto ng nagdaang LaBoracay sa APEC dahil sa may nagsasabi umanong naging madumi ang isla dahil sa dami ng turista.

Sinagot naman niya ito na mayroong ginawang coastal clean-up drive kasama na ang pag-indorso nila ng carbon foot print.

At base umano sa pahayag ng Department of Environmental and Natural Resources ay malinis naman ang kalidad ng tubig sa Boracay kung kayat wala naman umano itong naging problema sa APEC.

Maliban dito sinagot din ni Jose ang isyu ng umano’y pagbawal ng ilang island hopping activity sa Boracay kasama na ang pagligo tuwing gabi sa dagat dahil din sa APEC kung saan sinabi rin nito na mahigpit lang ang seguridad pero wala ganoong klasing pagbabawal.

No comments:

Post a Comment