Posted April 10, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Gagawa na ngayon ng karampatang hakbang ang Local
Officials ng Malay para dumalo ang Tourism Infrastructure Enterprise Zone
Authority (TIEZA) sa kanilang Session.
Ito’y dahil sa palagi silang bigong makadalo sa Session
sa tuwing ipapatawag ang mga ito gayon din ang pagpapadala ng hindi otorisadong
tao na hindi naman makapagbibigay ng sagot na itinatanong ng mga konsehales.
Dahil dito sinabi ni SB Member Frolibar Bautista sa 13th
Regular SB Session nitong Martes na kung maaari ay gumawa sila ng resolusyon na
kailangang dumalo ang pamunuan ng TIEZA sa kanilang susunod na Session na
sinang-ayunan naman ng local body.
Nabatid na ang pagpapatawag sa kanila ay may-kaugnayan sa
kanilang mga proyekto sa Boracay kasama na ang drainage project na
ipinapaturn-over ng LGU Malay sa Boracay Island Water Company (BIWC) para mabigyan
ng karampatang pansin.
Kaugnay nito nais din ng mga konsehales na ang mismong
dumalo sa Session ay ang siyang may mataas na panunungkulan sa TIEZA at ang may
alam sa mga naturang mga usapin.
No comments:
Post a Comment