Pages

Sunday, April 12, 2015

Mga event sa isla ng Boracay pagkatapos ng Holy Week, kabi-kabilaan na

Posted April 12, 2015
Ni Bert Dalida YES FM Boracay

Photo Credit to Boracay PNP
Kabi-kabilaan na ngayon ang mga event sa isla ng Boracay pagkatapos ng Holy Week.

Kasunod nito, inaasahan na lalong tututukan ng mga otoridad ang pagpapatupad ng mga ordinansa.

Maaari kasing masalaula ang beach front dahil sa dami ng mga taong nais sumaksi o makibahagi sa mga nasabing aktibidad o events katulad nitong nakaraang “2014 LaBoracay”.

Magugunitang umani ng iba’t-ibang reaksyon maging sa mga netizens sa isla ang resulta ng biglang pagbuhos ng mga lokal na turista nitong nakaraang LaBoracay dahil sa mga nagkalat na basura sa beach front sa kasagsagan ng mga event at beach parties.

Dahil dito, kapansin-pansin ang pagroronda ng mga pulis, MAP-Boracay, Task Group Boracay-Philippine Army, at ilan pang force multipliers sa isla upang matiyak na nasusunod ang mga ordinansa katulad ng bawal manigarilyo, kumain, uminom at umihi sa tabing-dagat.

Samantala, mistulang ikinadismaya naman ng mga negosyante sa isla ang “mahina” umanong pagpasok ng mga turista nitong nakaraang Holy Week, subali’t tila nabuhayan din ng loob nang muling humataw ang mga nasabing events sa isla.

No comments:

Post a Comment