Pages

Thursday, April 30, 2015

Mga delivery truck sa Boracay hindi muna pinayagang magbibiyahe tuwing araw

Posted April 30, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for delivery truck
Dahil sa nalalapit na ang APEC ministerial meeting sa Boracay hindi muna papayagang maka-pagbiyahe ang mga delivery truck tuwing araw.


Ayon kay Malay Transportation Officer Cezar Oczon, ito umano ay ipinatupad nila kasabay ng re-routing ng mga sasakyan sa isla upang maiwasan ang nararanasang trapiko sa Boracay tuwing araw.

Sinabi nito na ang pagbiyahe lamang ng malalaking sasakyan mula sa station 3 ay kailangan lamang magsimula ng hating gabi hanggang ala-singko ng madaling araw.

Hindi naman nito tiniyak kung hanggang kaylan ito ipapatupad ng kanilang tanggapan at ng Lokal na Pamahalaan ng Malay.

Nabatid na nagsimula na kamakailan ang ginawang re-routing ng transportation office para sa mga sasakyang sa Boracay bilang paghahanda sa APEC Meeting ngayong Mayo.

No comments:

Post a Comment