Posted April 15, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Photo Credit: Embedded image permalink |
Kaliwat kanan ngayon ang ginagawang pagpupulong ng
Provincial Government ng Aklan at ng LGU Malay katuwang ang ibat-ibang concern
agencies sa probinsya.
Ito ay dahil sa nalalapit na Asia Pacific Economic
Cooperation (APEC) Summit Ministerial Meeting sa Boracay ngayong ikalawang
linggo ng Mayo.
Nabatid na nakatakda naman ngayong araw ang pagpupulong
ng Department of Health (DOH) at ng LGU Malay kaugnay sa nasabing Summit.
Kahapon naman ay isang meeting ang isinagawa ng ilang
otoridad mula sa Aklan kasama ang Malay PNP Station na ginanap din sa Boracay
upang mas lalong paigtingin ang seguridad sa gaganaping ministerial meeting.
Kaugnay nito nagsagawa naman ng inspeksyon ang Department
of Tourism (DOT) sa pangunguna mismo ni USEC. Maria Victoria Jasmin sa Caticlan
Jetty Port nitong nakaraang linggo kung saan personal nitong sinuri ang
paglalagyan ng mga tarpaulin para sa naturang meeting.
Samantala, inaasahang marami ang mangyayaring pagbabago
sa isla ng Boracay lalo na sa area ng front beach bilang paghahanda sa
pinakamalaking meeting sa buong Asya na magaganap sa prestihiyusong isla.
No comments:
Post a Comment