Posted April 22, 2015
Ni Alan C. Palma Sr., YES FM Boracay
Pinatawag ng MDGRC o Municipal Development Guidelines
Review Committee ang mga kinatawan ng Lind Boracay para magpaliwanag sa itinayo
nitong 7-storey building sa Balabag Boracay.
Lumabas kasi sa ginawang inspeksyon ng BRTF o Boracay
Redevelopment Task Force na lumabag sa Municipal Ordinace No. 328 ang kagagawa
pa lamang na pitong palapag na gusali ng
nabanggit na hotel.
Kasama si Island Administrator Glenn SacapaƱo at ilang
miyembro ng MDGRC, i-prenesenta ni BRTF Secretary Mabel Bacani sa abogado at
kinatawan ng Lind Resort ang mga dokumento at ordinansa ng bayan kung saan sila
ay nakitaan ng paglabag.
Bagamat na may endorsement at recommendation for
amendment ang Lind Boracay, ibang disenyo ng gusali ang itinayo doon kumpara sa
inaprobahang plano.
Sa ordinansa, pahihintulutan lamang ang anim na palapag o
6-storey building kung may land area na 2,000 sq. meter ang isang resort.
Taliwas ito sa nangyari dahil umabot sa pitong palapag
ang gusali kung saan ang land area ay 1,219 sq. meter lamang.
Sa ngayon, nais ng MDGRC malaman kung sino ang mga
nagproseso ng dokumento sa panig ng Lind Boracay gayundin sa panig ng Zoning at
Engineering Office ng Malay para pagpaliwanagin.
No comments:
Post a Comment