Posted April 15, 2015
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Bunga na rin ito ng mga pagma-market ng Department
of Tourism, mga stakeholders at iba pang government agencies upang mahikayat
ang marami pang turista sa isla.
Dahil dito, madalas naghahanda ang mga nasabing
ahensya sa tuwing may darating na cruise ship.
Subali’t nabatid na mistulang hindi pala ramdam ng
ilang negosyante dito ang maituturing na biyayang dala ng mga nasabing barko.
Kaugnay nito, pinulsuhan ng aming himpilan ang
ilang establisemyento sa isla kung tumataas din ba ang kanilang kita sa tuwing
may cruise ship na bumibisita.
Sa isang maikling survey sa ilang souvenir shop at
cooking service, aming nabatid na hati ang kanilang saloobin tungkol dito.
May mga nagsabi kasi na hindi sila excited pag may
dumating na cruise ship, habang masaya naman ang ilan dahil sa dagdag kita
umanong naibibigay sa kanila ng mga turistang sakay ng cruise ship.
Samantala, ayon naman sa ilan naming nakapanayam,
Jetty Port lamang umano ang nakikinabang sa tuwing may dumarating na cruise
ship sa Boracay.
May mga magsasabi rin na malaki ang naiaambag ng
mga turistang dala ng cruise ship sa naitatalang tourist arrival ng isla.
No comments:
Post a Comment