Posted April 14, 2015
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Kasunod ito ng paghingi ng Boracay New Coast Hotel
Group Inc. ng endorsement mula sa SB Malay para sa operasyon ng nasabing sugal.
Katunayan, sinabi ni HRP Boracay Priest Moderator
Father ‘Nonoy’ Crisostomo na hindi parin nagbabago ang paninindigan ng simbahan
tungkol dito.
Naniniwala umano kasi si Crisostomo na hindi
nakakabuti ang anumang uri ng sugal.
Maliban dito, hindi rin kumbinsido si Crisostomo na
mga guest lamang ng nasabing resort ang makakapasok para maglaro, gaya ng
naunang sinabi umano ng Boracay New Coast kay SB Member Rowen Aguirre.
Samantala, ikinabahala din nito ang masamang
maidudulot ng Casino sa lipunan, lalo pa’t maaaring mabago ang imahin ng
Boracay bilang family-oriented tourist destination.
Magugunita namang inalmahan ng Simbang Katolika sa
isla noong panahon pa ni HRP Boracay Parish Priest Father “Sau” David ang
pagpasok ng Casino sa isla dahil sa “social problems” na maaaring idulot nito
sa lipunan.
Sa isang pahayag, sinabi noon ni Father “Sau” na
mas malaki pa ang mga konsekwensyang maidudulot ng nasabing sugal sa mga benipisyo
umanong maibibigay nito sa mga anak ng Boracay.
No comments:
Post a Comment