Posted April 23, 2015
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Ayon kay Department of Science and Technology
(DOST) Region VI Assistant Regional Director for Technical Operations Dr.
Emelyn Flores.
Normal lang na ngayong summer season ay mararanasan
talaga ang mainit na panahon lalo na yaong mga malalapit sa beach tulad ng Boracay.
Ngunit sa kabila nito, ani Flores hindi maiiwasan
na may hindi pa rin magandang epekto ang mainit na panahon lalo na sa
agrikultura at kalusugan.
Kaya naman, mahigpit umano ang kanilang
isinasagawang pagtutok sa lagay ng panahon o klima upang mabigyan ng tamang
impormasyon at kaalaman ang publiko.
Samantala, ipanabatid din nito na normal lamang ang
temperatura katulad ng nararanasan taun-taon.
Kaugnay nito, nakabantay din anya ang PAGASA sa mga
maaaring pagbabago sa panahon, at tuloy-tuloy ang ugnayan nila sa pamunuan ng
mga dam upang tiyakin na may sapat na imbak ng tubig para sa tag-araw.
No comments:
Post a Comment