Posted March 25, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Nakatakda umanong inspeksyonin sa Boracay ang
Yellow Submarine na gustong mag-operate sa tanyag na isla sa buong mundo.
Ayon kay SB Member at Chairman ng Committee on
Tourism Jupiter Gallenero, pupunta umano ang nasabing submarine sa Boracay para
sumailalim sa inspeksyon bago sila magdesisyon kung ito ba ay papayagan nilang
mag-operate sa isla.
Tiniyak din nito na kung sakaling maaprobahan nila
ito ay hindi naman umano ito makaka-apekto sa mga korales sa karagatan ng
Boracay.
Aniya, tatakbo lamang ito ng mabagal at aatras
pabalik sa isang area kung saan lulutang din umano ito sakaling may korales na
madadaanan.
Sinabi pa nito na kung maranasan naman ang Habagat
Season sa front beach ng isla ay ililipat din umano ito sa back beach sa
Bolabog.
Nabatid na nauna nang inaprobahan ng Konseho ang
Letter of Intent ng presidente ng Submarino kung saan agad namang sinuri ni
Life Guard Commander Mike Labatiao ang area na posibleng paglalagyan ng Yellow
Submarine.
Ang nasabing Submarino ay mag-ooperate umano sa
Boracay para sa mga turista na gustong subukang sumakay sa totoong Yellow
Submarine.
No comments:
Post a Comment