Posted March 17, 2015
Gloria Villas, YES FM Boracay
Kaya naman payo ngayon ng Aklan Provincial Health
Office (PHO) sa publiko, ugaliing maghugas ng kamay para maiwasan ang madaling
pagkapit ng mga sakit.
Ayon kay Dr. Cornelio Cuachon, Provincial Health Officer
ng PHO-Aklan, kung may sore eyes, 'wag kusutin ang mata at imbes umano na panyo
o bimpo ay tissue na lang ang gamiting pamunas sa mata at agad itong itapon
matapos gamitin.
Samantala, pinaalalahanan naman ni Dr. Cuachon ang
publiko ukol sa mga haka-haka na nagpapagaling umano ng sore eyes ang ng gatas
ng ina o ihi.
Sinabi nito na, mas makakatulong umano ang
paghihilamos at paghuhugas ng kamay upang madaling gumaling ang sore eyes kaysa
sa mga nabanggit na pamamaraan.
Karaniwan umanong lumalaganap ang sore eyes tuwing
Enero hanggang Marso sa panahon ng
tag-init at mula Agosto hanggang Setyembre naman sa panahon ng tag-ulan.
No comments:
Post a Comment