Posted March 20, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Nakipagtulungan ngayon ang Department of Tourism (DOT) sa
Philippine Ports Authority (PPA) kaugnay sa pagpapaunlad ng ilang pantalan para
sa Cruise Tourism sa bansa.
Ayon Kay Tourism Undersecretary Benito Bengzon Jr.,
kabilang umano sa mga pantalan na kanilang aayusin ay ang sa Manila, Puerto
Princesa, Subic, Davao, Bohol, Cebu, Zamboaga at Boracay.
Sinabi din nito na masyado umanong malakas ang demand ng
mga Cruiship sa bansa kung saan kinakailangan pa nilang madaliin ang oras ng
trabaho sa kanilang mga kaakibat para masiguro na maganda, matiwasay at maayos
ang magiging karanasan ng mga foreign tourist na mag to-tour sa bansa sakay ng
ibat-ibang Cruship.
Aniya, ang pag- upgrade umano at pagpapaganda ng Airport
ay halos katulad ng pakikipagtulungan sa pagpapaunlad ng mga Sea Port sa bansa.
Sa kabilang banda sinisimulan na rin umano ngayon ng
gobyerno ang pag-develop ng mga passenger Terminal sa Mactan sa Cebu at Kalibo
International Airport sa probinsya ng Aklan upang lalo pang mapalakas ang
turismo sa buong bansa.
No comments:
Post a Comment