Posted March 8, 2015
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Maliban dito, designated areas para sa mga
activities ang beach front ng station 1 at station 3.
Ito ang nilinaw ngayon ni MAP Boracay Deputy Chief
Rodito Absalon Sr. kaugnay sa reklamong natanggap ng YES FM Boracay mula sa mga
naglalaro ng volleyball sa beach front ng station 1.
Sinita at pinatigil umano kasi ang mga ito sa
paglalaro dahil wala silang permit.
Nagkataon namang may turista pa silang kasama sa
pagba-volleyball na nagulat din nang ipatigil ang kanilang laro.
Ayon pa sa nagsusumbong, masama ang kanilang loob
dahil ‘unfair’naman ang pagsita sa kanila lalo pa’t bigla lamang silang
pinahinto.
Base pa impormasyon, may nagreklamo din sa DOT o Department
of Tourism dahil tinamaan umano ng frisbee disc ng ilang naglalaro sa beach sa
station 1.
Dahil dito, nanindigan naman ang grupo ng
nagrereklamo na muli silang maglalaro sa beach kapag may pagkakataon sa kabila
ng pagbabawal sa kanila.
Nabatid na maraming mga foreign tourist ang
masayang nakikipaglaro ng volley ball at freesbie sa mga tour guide at
komisyoner sa beach front lalo na kapag low tide.
No comments:
Post a Comment