Pages

Tuesday, March 31, 2015

One way lane sa Boracay, unti-unting nang ipinapatupad ng LGU Malay

Posted March 31, 2015
Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay 

Image result for Logo LGU Malay, AKLANUnti-unti na ngayong ipinapatupad ng LGU Malay ang one way lane sa isla ng Boracay.

Ayon kay Malay Senior Transportation Regulation Office Cezar Oczon, paunti-unti na umano ngayon ang ginagawa nilang re-routing bilang paghahanda para sa APEC Ministerial meeting ngayong Mayo.

Layunin umano nito na mabawasan ang mga dumaraming sasakyan sa mainroad papuntang Station 3 o Cagban Jetty Port.

Ayon kay Oczon, ang lahat ng mga private vehicle at malalaking sasakyan kasama na ang resort service na mula sa station 1 o Brgy. Yapak na diritsong Cagban, Manoc-manoc ay liliko sa harap ng Crafts of Boracay o papuntang Bloomfield area.

Ngunit nilinaw nito na hindi pa ito na fully implemented dahil hindi pa sila nakakapaglagay ng mga signage’s sa mga lugar na daraan ng mga nasabing sasakyan.

Dagdag pa nito na kung sakaking maging successful ang nasabing proyekto ay maaaring ituloy-tuloy na ito na maging isang ordinansa o batas.

No comments:

Post a Comment