Posted March 28, 2015
Ni Bert Dalida YES FM Boracay
Kinabibilangan ito ng Jony’s Beach Resort, Maya’s
Cuisine, True Home Hotel, Nigi-nigi, at Sea Wind Beach Resort na nagpahayag ng
kusang pag-demolish.
Ayon kasi kay BRTF o Boracay Redevelopment Task Force
Secretary Mabel Bacani, madi-demolish parin ang bahagi ng kanilang gusali o
property na tatamaan ng 6-meter road set back, sa kabila ng kanilang
pinanghahawakang ‘Approved 1998 Building Plan’.
Ayon pa kay Bacani, hindi naman puwede na hindi sila
titibagin habang nagsimula nang tumibag ang iba.
Magkaganon paman, kinukumpleto pa umano nila ang record
ng nasabing grupo dahil tinitingnan din nila ang kahilingan ng mga ito na sa
‘kanang bahagi’ na lamang ng kanilang property ang babawasan, sa halip ng sa
‘kaliwa’.
Sa kabila nito, nilinaw pa ni Bacani na kailangan pang
isumite sa office of the mayor at SB Malay ang kahilingang ito ng mga taga ‘Northern
Alliance’.
Magugunitang nitong nakaraang taon nang sinimulan ng MPDO
o Municipal Planning and Development Office ang Road Setback Clearing Operation
sa bisa ng Municipal Ordinance No. 2000-131.
No comments:
Post a Comment