Posted March 18, 2015
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Talamak parin ang mga batang namamalimos sa Boracay.
Partikular na nagiging ‘eye sore’ sa gabi ang mga batang namamalimos sa vegetation area ng station 2.
Partikular na nagiging ‘eye sore’ sa gabi ang mga batang namamalimos sa vegetation area ng station 2.
Base sa mga nakalap naming reklamo at impormasyon,
makukulit at nanghahabol pa ng mga turista ang mga bata kahit hatinggabi o
madaling araw para lamang mamalimos.
Ang mas masaklap, sinasabing naroroon lamang sa
madilim na lugar ang mga magulang ng mga bata at inuutusan silang manghingi sa
mga dumadaan.
Dahil dito, ilan naman sa aming nakausap na
concerned citizen ang nagpaabot ng pagkadismaya kung bakit mistulang hindi ito
inaaksyunan ng DSWD o Department of Social Welfare and Development.
Nakakahiya umano kasi ito sa mga turista lalo pa’t
isang ‘World Class Tourist Destination’ ang isla ng Boracay.
Samantala, magugunitang nagpaabot ng apela sa
pamamagitan ng himpilang ito si USEC. Florencia Dorotan ng NAPC o National
Anti-Poverty Commission sa DSWD na gawin ng puspusan ang kanilang trabaho upang
mapangalagaan ang kaligtasan ng mga bata laban sa human trafficking at iba pang
masasamang loob.
PS: Bukas po ang aming himpilan para sa mga kinauukulan
na nais magbigay ng pahayag sa balitang ito.
No comments:
Post a Comment