Pages

Tuesday, March 31, 2015

Mezzanine project ng HRP Boracay, nagagamit na kahit hindi pa lubusang natatapos

Posted March 31, 2015
Ni Bert Dalida YES FM Boracay

Umani ngayon ng papuri sa mga ‘netizens’ at parokyano ng HRP o Holy Rosary Parsih Boracay ang mezzanine project ng simbahan.

Nagagamit na kasi ito ngayon kahit hindi lubusang natatapos.

Ayon sa ilang ‘netizens’at debotong Katoliko sa isla, masaya sila dahil nagagamit na nila ang mezzanine o balcony na sinimulang ipagawa ni HRP Boracay Priest Moderator Father ‘Nonoy’ Crisostomo nitong nakaraang taon.

Ayon pa sa ilang ‘church goers’, malaking tulong din ang balcony para may masilungan at maupuan ang dumarami pang nagsisipagsimba lalo na ngayong Semana Santa.

Nabatid na binuksan ang nasabing mezzanine ng simbahan nitong nakaraang Linggo, na siya namang unang araw ng Semana Santa upang ma-accommodate nito maging ang mga turistang nagsisipagsimba.

Samantala, ikinatuwa naman ni Father ‘Nonoy’ ang naging reaksyon ng mga debotong Katoliko sa pagbubukas ng balcony.

Magugunitang target sana ng simbahan na matapos ang proyekto bago ang Simbang Gabi nitong nakaraang taon, subali’t kinapos ito ng budget.

No comments:

Post a Comment