Posted March 13, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Itinanghal kasi ito bilang Favorite Beach
Destination 2015 ng Malaysian Association of Tour & Travel Agents (MATTA).
Nabatid na ito’y inanunsyo ng MATTA sa isang press
conference nitong Marso 9 kaugnay sa kanilang taunang fair ngayong araw
hanggang bukas sa Putra World Trade Center sa Kuala Lumpur.
Ayon naman kay Philippine Embassy MATTA organizing
committee chairman S. Jayakumar, ang Boracay white sand beach umano at ang
Pilipinas ay mayaman sa natural resources at biodiversity.
Pinasalamatan naman ni Ambassador J. Eduardo Malaya
ang Malaysians para sa rekognisyong ito kung saan ang Malaysia umano ay ang
ika-siyam na pinakamalaking tourist market nitong 2014 na may 27.24-percent
increase sa tourist arrivals ng Pilipinas.
Dagdag pa nito na malaki umanong karangalan sa
bansa na madiskubre ang Boracay dahil sa pristine white sand nito at
nakakamanghang baybayin na nakakapukaw atensyon sa mga bisita para sa kanilang
nature-tripping.
Samantala, ito ang ika-apat na pagkilala sa Boracay
ngayong taon kung saan nakuha nito ang mga parangal ngayong lamang Pebrero
bilang 2015 best beach in Asia, number 7 best beach in the World at 2015 World's
2nd Best Beach for Partying.
No comments:
Post a Comment