Posted March 26, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Ngayong Holy Thursday, Abril 2 nakatakdang dumaong
sa isla ng Boracay ang Cruiship na 7 Seas Voyager.
Hawak ng Sharp Philippines ang tour nito sa
Pilipinas, kung saan tinatayang may sakay itong 700 passengers kasama na ang
crew.
Ayon kay Special Operations Officer III Jean Pontero ng
Caticlan Jetty Port, halo-halo umano ang mga sakay nitong pasahero mula sa
ibat-ibang bansa para sa tour nito sa Boracay ngayong Holy Week.
Sinabi pa ni Pontero na dahil sa first time dadaong
sa Boracay ang naturang barko magkakaroon umano ng maiden call ang Aklan
Provincial Government at Department of Tourism (DOT) sa pagitan ng kapitan ng
barko para dito.
Samantala, isang meeting ang nakatakdang ipatawag
ng Jetty Port Administration ngayong Martes para paghandaan ang pagdating ng
naturang barko sa isla ng Boracay.
No comments:
Post a Comment