Pages

Tuesday, February 03, 2015

LTOPF caravan processing, lalarga para sa mga firearm owners sa Aklan

Posted February 3, 2015
Ni Bert Dalida YES FM Boracay

Magandang balita para sa mga firearm owners o nagmamay-ari ng baril sa Aklan!

Mas magiging madali na ngayon ang pagproseso ng lisensya ng inyong mga baril dahil sa LTOPF o License To Own And Posses Firearms.

Ayon kay Boracay PNP Officer In Charge PSInsp. Fidel Gentallan, para na rin sa konbenyente ng mga firearm holders ang gagawing caravan processing na magsisimula sa darating na February 18-20 ngayong taon.

Basic requirements umano ito para sa lahat ng mga firearms holders na nagnanais i-renew ang lisensya ng kanilang baril na hindi dapat isawalang-bahala.

Ayon pa kay Gentallan, gaganapin ang LTOPF sa Aklan Police Provincial Office sa bayan ng Kalibo, kung kaya’t bawas gastos ito kung ikukumpara sa pagproseso ng mga dukumento sa PNP Regional Office sa Iloilo.

Samantala, nabatid na hindi lamang sa Aklan gaganapin ang LTOPF kungdi maging sa lalawigan ng Antique at Capiz.

Payo naman ni Gentallan sa mga firearms holders sa Boracay na makipag-ugnayan sa kanilang himpilan para sa karagdagang requirements at impormasyon.

No comments:

Post a Comment