Pages

Tuesday, February 03, 2015

Guro mula sa Balabag ES ginawaran bilang Reg. Outstanding Madrassah Education Teacher

Posted February 3, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay


Isang malaking karangalan para sa isang guro mula sa Balabag Elementary School ang maparangalan bilang Regional Outstanding Madrassah Education Teacher.

Ayon kay Balabag Elementary School Principal Ligaya Aparicio, tanging ang gurong si Monib Ali ng kanilang paaralan ang nakakuha ng naturang parangal mula sa probinsya ng Aklan.

Sinabi nito na 7 Divisions mula sa Region 6-Western Visayas ang ginawaran ng naturang parangal kung saan hinirang na first runner-up dito si Ali habang ang Kampeon ay nagmula sa lalawigan ng Bacolod, 2nd runner-up ay mula sa Iloilo City, 3rd runner-up mula sa Iloilo Province. Ang mga finalists ay mula sa Dibisyon ng San Carlos, Roxas City at Antique.

Samantala, nabatid na si Ali ay isang aktibong guro ng Madrassah sa nasabing paaralan kung saan mga kabataang Muslim rin nito ang kanyang tinuturuan ng Arabic Language at Islamic Values Education.

Kasama ni Monib Ali na tumanggap ng parangal sa Iloilo City nitong nakaraang Biyernes ay ang kanilang principal na si Ligaya Aparicio at si Malay Public Schools District Supervisor Jessie Flores.

Ang parangal naman ay iginawad ni Atty. Jessica Sapalo, DepED Region VI Administrative Officer na pansamantalang humalili kay Regional Director OIC Ma. Gemma Ledesma, CESO sa nasabing parangal.

Napag-alaman na ito ang kauna-unahang parangal ng Department of Education (DepEd) para sa mga Madrassah Education Teachers kung saan ang kapeon ay ilalaban sa National level.

No comments:

Post a Comment