Pages

Thursday, February 05, 2015

DOT, pinayuhan ang mga establishment owners tungkol sa road easement sa Boracay

Posted February 4, 2015
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Kasabay ng paglago ng turismo sa Western Visayas ang paglago din ng mga negosyo sa isla ng Boracay.

Subalit, ilan sa mga negosyo ngayon sa isla ay nahaharap sa mga problema tulad ng ipinapatupad na road easement o set back ng LGU Malay.

Kaugnay nito, pinayuhan ng Department of Tourism (DOT) ang mga may-ari ng establisyemento na sana’y mag-comply sa nasabing ordinansa, kung saan makakabuti din umano sa isla at sa kanilang negosyo pagdating ng panahon.

Ayon kay DOT Boracay Sub-Office Team Leader Kristoffer Leo Velete, ang ikakaunlad at ikagaganda ng Boracay ay ikakaganda din ng bawat negosyo dito.

Samantala, nagpahayag naman ang DOT ng kanilang suporta sa mga programa ng lokal na pamahalaan ng Malay lalo na ang para sa Boracay.

Magugunita na ang pagpapatupad ng Municipal Ordinance No. 2000-131 ng Malay ay nag-uutos ng anim na metrong road set back mula sa sentro o gitna ng kalsada sa anumang temporary o permanent structures.

No comments:

Post a Comment