Pages

Wednesday, February 04, 2015

BFAR, may “scholarship” para sa mga anak ng mangingisda

Posted February 4, 2015
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Magandang balita!

Magkakaroon ngayon ng Fisherfolk Children Educational Grant (FCEG) ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).

Kaya naman, mabibigyan din ngayon ng pagkakataon ang anak ng mga mangingisda sa Aklan na makapagtapos ng kanilang pag-aaral.

Ayon kasi kay BFAR-Aklan Information Officer Victoria Magalit, sa pamamagitan ng programa, ang mga anak ng mangingisda na nakapagtapos ng hayskul at magtatapos pa lamang na may potensyal na makapasok sa “top 10” ng klase ay may pagkakataong makapag-aral sa kolehiyo.

Anya, ilan sa mga ibinibigay ng scholarship ang buong scholarship grant sa kolehiyo sa kursong Bachelor of Science in Fisheries, libreng matrikula, buwanang “stipend” na P2, 500.00, semestral book allowance na P2, 000.00, Research/Thesis/Special Problem Support na P3,000.00 at graduation support na P500.00.

Samantala, sa general criteria makakapag-apply ng scholarship ang estudyanteng magtatapos ngayong school year 2014-2015, kung saan dapat anak ng isang rehistradong mangingisda, hindi lalagpas sa 20 ang edad at dapat residente sa bayan ng apat na taon.

Maaari namang kumuha ng pormas ang mga intresado sa opisina ng BFAR-Aklan, kung saan magtatapos ito sa February 27, 2015 habang nakatakda naman ang pagsusulit sa Marso na gaganapin sa Iloilo o Bacolod City.

No comments:

Post a Comment