Pages

Friday, January 09, 2015

Sentro ng pagdiriwang ng Santo Niño Ati-atihan sa Linggo, ipinaalala ng HRP Boracay

Posted January 9, 2015
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Talagang masaya ang pagdiriwang ng Ati-atihan dito sa Aklan lalo na sa Boracay.

Malaya kasing nakakasali sa sadsad o merry making at street dancing ang sinuman.

Maliban dito, malaya rin ang lahat na magsuot ng anumang costume ang sinuman lamang maipakita ang pakikiisa sa selebrasyon.

Subali’t nagpaalala ngayon ang HRP Boracay sa lahat ng mga partisipante ng Boracay Ati-atihan na huwag makalimot sa sentro ng selebrasyon.

Ayon kay HRP o Holy Rosary Parish Boracay Team Moderator Fr. Arnold Crisostomo, may mga indibidwal o maging grupong sumasali sa Ati-atihan na taliwas sa selebrasyon at debosyon sa Santo Niño.

Sa kanyang pahayag, sinabi ni father Nonoy na may mga costumes na hindi nakakatulong sa pagpapahalaga sa pananampalataya at pagpapaala tungkol sa Diyos.

Kaugnay pa nito, hindi lamang ang tungkol sa mga costume ang ipinaalala ni Crisostomo kungdi ang pagdalo dapat sa mga misa na gaganapin para sa Boracay Ati-atihan.

Samantala, kapansin-pansin na may mga indibidwal o grupo na nagsusuot ng nakakatakot kung hindi man malalaswang costume at nakikilahok sa Ati-atihan, bagay na ikinadismaya din ng mga debotong Katoliko.

No comments:

Post a Comment