Pages

Thursday, January 01, 2015

‘No clearance’ para sa sky lantern, iginiit ng Boracay Fire Protection Unit

Posted December 31, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Iginiit ngayon ng Boracay Fire Protection Unit ang ‘No clearance’ para sa paggamit ng sky lantern sa pagsalubong ng Bagong Taon.

Sa kabila ito ng pagiging popular ng sky lantern bilang pang-highlight ng iba’t-ibang okasyon at selebrasyon ngayon.

Sa ipinadalang memorandum, iginiit ni Boracay Fire Protection Unit o BFPU Chief-Insp.Stephen Jardeleza ang nilalaman ng IRR o Implementing Rules and Regulations ng Republic Act 9514.

Base sa IRR, pahihintulutan ang paggamit ng sky lantern kung sumailalim ito sa Fire Safety Inspection at mabigyan ng Fire Safety Clearance.

Kailangang bantayan din ito at dapat may nakahandang fire protection devices.

Magkaganon paman, dapat parin umanong ipinagbawal ang sky lantern dahil maaari itong pagmulan ng sunog lalo pa’t hindi naman ito makokontrol kapag nakalipad na.

Kaya naman nanindigan ang BFPU na hindi dapat bigyan ng clearance ang nasabing lantern.

Samantala, nabatid na may ilang resort na rin sa isla ang gumagamit ng sky lantern para sa kanilang wedding events.

No comments:

Post a Comment