Pages

Wednesday, January 21, 2015

Mga Security Agencies at Operators sa Boracay, pupulungin ng SB Malay

Posted January 20, 2015
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Nakatakdang magharap sa isang pagpupulong ang mga Security Agencies at Operators sa Boracay at SB Malay.

Pangungunahan mismo ni Committee Chairman on Laws, Rules and Ordinances SB Member Rowen Aguirre ang nasabing pagpupulong na gaganapin sa SB Session Hall.

Bagama’t hindi na muna idinetalye, sinabi ni Aguiree sa kanyang text message na kaugnay sa regulasyon ng mga security agencies at operators ang pagpapatawag sa kanila ng SB Malay.

Magugunitang ikinadismaya ni PSupt. Condrado Carganillo ng SAGU o Security Agency ang mga problemang kinasangkutan ng mga security guard sa isla kung kaya’t sinabi nitong dapat dumaan sa konseho ng Malay ang pagpasok ng mga security agency sa Boracay.

Samantala, nabatid na may humigit-kumulang 40 security agencies ang nag-ooperate ngayon sa isla kung saan ilan dito ang ilang beses nang nasangkot sa madugong land dispute.

No comments:

Post a Comment