Pages

Thursday, January 01, 2015

Mga bumibili ng New Year Fruits sa Boracay, dagsaan na

Posted December 31, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Dagsaan na ngayon ang mga bumibili ng mga New Year Fruits sa Boracay.

Maaga pa lang kanina, kapansin-pansin na ang mga pumipili ng mga prutas na bilog sa D’Talipapa Boracay.

Ayon sa isang customer ng isang stall doon, isang tradisyon na ang pagbili at pagdisplay ng mga nasabing prutas sa pagsalubong ng Bagong Taon.

Sinabi nito na 12 prutas na bilog at iba-iba ang kaniyang binili dahil kumakatawan umano ito sa 12 buwan ng taon.

Kampante din ito sa kanyang pagbili ng mga prutas dahil hindi naman umano tumaas ang presyo ng mga ito.

Samantala, sinasabing ‘affordable’ ang mga ibinibentang prutas ngayon katulad halimbawa ng junior apple na umaabot sa 12-15 pesos ang isa, Ponkan na 7-15 pesos ang piraso, at big orange-30 pesos ang piraso.

Patok din sa mga mamimili ang Kyat-kyat na umaabot sa 80 pesos per bundle, ubas na 300 pesos ang kilo.

Samantala, sa mga nagnanais humabol sa pagkumpleto ng kanilang mga prutas na bilog, maaaring tumungo lamang sa mga nagtitinda sa mga bangketa sa isla.

No comments:

Post a Comment