Pages

Monday, January 05, 2015

Mga aktibidad para sa 2015 Boracay Sto. Ati-Atihan, inilabas na ng Mtour

Posted January 5, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Inilabas na ng Municipal Tourism Office (Mtour) Malay ang ibat-ibang aktibidad para sa tatlong araw na selebrasyon ng 2015 Boracay Sto. Ati-Atihan.

Sa darating na araw ng Biyernes magsisimula ang nasabing okasyon  na kung saan ay magkakaroon sila ng Barangay, Parishioners at Tourism Front Liners Night habang sa araw naman ng Sabado ay magkakaroon din ng Kabataan’s Night kabilang na ang Sad-Sad, opening Salvo at Hip Hop Dance Competition.

Habang sa darating na Enero 11 araw ng Linggo ay magaganap ang 2015 Boracay Sto. NiƱo Ati-Atihan kung saan isang Fluvial Parade, misa at Sad-sad ang magaganap na susundan ng awarding night.

Napag-alaman na ibat-ibang tribo mula sa isla ng Boracay ang kalahok sa tinatawag na Sad-sad na gaganapin naman sa long beach area simula station 1 hanggang station 3.

Samantala ang isla ng Boracay ay isa sa mga nagsasagawa ng nasabing okasyon sa Aklan na kung saan ang bayan naman ng Kalibo ang siyang orihinal na nagkakaroon ng tinatawag na Ati-Atihan Festival at kilala rin sa tawag na “mother of all festival sa bansa”.

No comments:

Post a Comment